Martes, Abril 29, 2008

PIKNIK NGAYONG TAG-INIT…Kita-Kits sa May 3 sa Baler!


Opo, isang SIMPLENG PIKNIK ang magaganap sa May 3 sa Baler. Pwede ring tawaging ‘Batch Piknik’, pero ito na po muna ang pamalit sa ating ‘Amazing Race’. Ang mga detalye ay di pa kongkreto. Pero tuloy po ito sa Sabado. Parang Batch General Assembly (G.A.) na rin natin since matatagalan pa ang next batch event. Kaso medyo mas impormal kasi piknik.

Invited ang lahat siyempre. Patawad sa mga de makakadalo. Lalo na sa mga wala sa Baler. Ang totoo, de po ito biglaan. Kasama po talaga sa maliliit na event ang piknik. Pero huwag nyo pong isipin na ito ay sinadyang ngayon lang i-announce dito ha. Ngayon lang kasi nagka-‘go signal’ ay.

Syempre, kelangan po munang ikonsulta bago ilathala. Para po walang masagasaan. Pero bukas pa rin po tayo sa suhestiyon o reaksiyon. Gaya ng dati.

Sa mga makakauwi ng Baler sa May 3, aydi maganda. Mag-empake na kayu at nang magkasalu-salo tayo sa piknik at para maka-tabsung na rin habang summer.

Sa mga de po talaga pwedeng makauwi, aydi sa susunod anu. Mayroon pa naman po tayong ilalatag na event ay. Basta attend lang po tayo palagi ha. Lalo na sa December.

Strategically, gaya ng naiprisinta last G.A. nung December 29, itatapat po natin ang event ng batch (malaki man o maliit) sa mga araw na holiday o uwian pa-Baler ang mga batchmates.

Kaso, naging magulo ang pagdeklara ng araw ng walang pasok sa May kaya nagkaganito na nga ang petsa ng pag-aannounce ng piknik natin. Pero wala na sa control natin iyun. Basta go go go tayu anu.

Kaya, umattend po tayo sa isang maikling pulong sa bahay ni Gilbert Pajarillo sa May 1, fiesta ng Sabang, sa ganap na alas-3 ng hapon. Pag-uusapan ang mga mahahalagang bagay sa piknik sa Sabado.

Sa Sabado, dun po ihahain ang plano para sa batch para sa 2nd half ng 2008. Maaaring sa Sabado na rin mapagkasunduan ang tentative (o final) date ng Grand Reunion sa December 2008.

Maghapon po ang piknik. Wantusawa ika nga. Walang ambagan. Gaya ng dati. Kung di man palarin na makahanap tayo ng biyaya para may sumagot sa lahat.

May sasagot na po sa Videoke machine rental fee at sa Cottage.

Sa mga nasa Baler po at sa mga uuwi, attend po tayo. Sa short meeting kina Gilbert sa May 1, alas-tres ng hapon. At lalo sa Piknik sa Sabado, May 3.

Kita-kits po tayo sa meeting at sa Piknik!


-Anunsyo na ipinasulat kay JuanPula

Huwebes, Abril 24, 2008

Solid Ground

Time will tell how we have grown. Time will tell how we have bind as friends.
We stand together and stand on high ground to see better things in a better light. On that platform, we let the roots of friendship grow deep and anchor its fingers on more solid ground. Storms shall pass by but we shall not be swept away for we hold together and our roots run deep.

Ride Fast

It has been many days... We dream of noble goals... We dream of big things... We wish to soar... We wish to help... An attempt is not success yet... But we do not get weary of doing what is better... We ride and ride fast but then we have stumbled... What shall we do then? Lie there... stay there and build a house and have are own family... No! That is an easy option for us... But then we choose the best one, we stand up! Dust ourselves off! Fix our bike and choose to ride again till we ride fast again - back on track! We hold on together, speak and help one another. We are at work in progress and not perfect yet. It is only through these imperfections we shall interact and help one another. Only through these imperfections we shall bind as one. We wish to achieve noble goals but we are challenged by the situation. What shall we do then - let us keep the spirit alive! We choose to forgive and forsake what is behind and focus our goal on what lies ahead - For the Batch, for our lives, for our own families and for our nation.

Sabado, Abril 12, 2008

Balerkada - The Reggae Party Compiled Images

CliCk ThE IMAge to AccESS tHE PicTUreS
Paumanhin po sa na-traffic na pag-upload ng pictures. Simula sa simula po ang photos na inyong matutunghayan sa pasinayang Belerkada - The Reggae Party. Download and share po natin sa ating mga ka-batch! Kung may nais po kayong ipahabol na mga litrato, paki email na lamang po ito kay admin. Maraming Salamat po. Ciao! Enjoy! :)

Sabado, Abril 5, 2008

TIP's po para sa mga GLOBE user......

ai eto na nga po pala ung sa globe na libre ung streaming nila......
ganito po iyon dapat may setting kayo ng My GlobeStream

tapos ito po ung site na pwede mapanooran....
rtsp://203.177.154.141/rtpencoder/gma7.sdp

rtsp://203.177.154.141/rtpencoder/abscbn.sdp

rtsp://203.177.154.141/rtpencoder/cnn.sdp

rtsp://203.177.154.141/rtpencoder/globetest.sdp

dapat po pala naka 3G ung signal nyo para malinaw...... hehehehehe-

at eto naman po ung para sa libre din pag below 10 na lang ang load.......
para naman po ito sa paglogin sa yahoo.....
dito po muna kayo maglogin tapos dun sa sunod na pagnaka login na kay....
http://69.147.78.30/p/login

http://69.147.78.30/p/messenger

yan lang po at ung iba sa susunod na pag may bago......

paghinde na po gumana..... ai hinde na libre......