Exactly a year today since Froilan Dale C. Lega left us. His unexpected death shocked most of us, his batchmates. But most importantly his untimely passing had an impact on us, in one way or another.
Pilitin ko man, pero di ko maiwasang maging personal at emosyonal kahit papaano sa pagsulat kong ito. Paumanhin, ngunit susubukan kong di maging makasarili o maging mapuso kahit mahirap. Malaki kasi ang epekto ng pagkawala ni Dale sa akin.
I was seeing a doctor a year ago when some of our batchmates and I planned of visiting Dale at his house in Marikina. The problem then was we had no contact number nor home address of him. Fortunately, we found a way to locate where he lived, so we were able to see him during his last days. Then February 8 came. I received a call informing me about the sad news that very early morning.
Habang di pa ako magaling sa karamdaman ko at habang nasa gitna ng pagpaplano ang batch para sa year-long events noong 2008, nangyari ang di inaasahan. Pumanaw si Dale.
Bakit ako apektado? Dahil mula umpisa, ang ultimate purpose naman ng pag-oorganize ko para sa batch ay dahil gusto kong i-celebrate ang buhay - ang magsaya at magbunyi. Dahil kumpleto ang batch natin. Isang bagay na di na ganap na totoo.
Malungkot. Nakapanghihinayang. Sa taon kung kailan ipagdidiwang natin ang isang dekada ng pagtatapos natin sa high school, di pa naabutan ni Dale.
Kung di man nabawasan, ay kinwestiyon ko ang tiwala ko sa sarili nung mawala si Dale. Para saan pa ang pag-oorganize ko ng batch events gayong di naman na kumpleto ang batch?
May mga pagsisisi man ako, ngunit marami akong realizations sa nangyari...
Di man magandang pakinggan pero maraming naidulot na maganda ang pagkawala niya. Sa aking pananaw, mayroong positibong pagmulat ang naibunga ng nangyaring iyon.
Maraming nakiramay at dumalaw kay Dale dito sa Manila at sa Baler noong burol niya. Nakita kong maraming nagmamahal ang nalungkot at nangulila sa batchmate natin. Napagbuklod ni Dale ang marami sa atin noong mga panahong iyon.
Payak man, kahit papaano ay gumawa ako ng paraan para nuong uwi ko nuong Novemeber 1 sa Baler ay madalaw ang puntod ni Dale. Bulaklak at panalangin ang inalay ng ilan sa ating batchmates ni Dale sa kanya.
Napatunayan nating kayang magkaisa ng batch, di lamang sa kasiyahan ngunit maging sa damayan. Nag-alab ang pagnanasa ng marami na magkaroon ng ugnayan at komunikasyon ang batch sa isa't isa. Isang bagay na naging malaking pagkukulang ko, at marahil ng ilan sa atin para kay Dale. Ika nga, mga "what if".
Sana kahit walang get-together, batch assembly o reunion tayo, magawa nating bigyan ng panahon - kahit sandali - ang mga batchmate natin, naging kaibigan man natin sila noon o ngayon. Simpleng bagay lang naman. Maliit na effort kumbaga.
Sa totoo lang, ang blogsite na ito ay isang malaking bagay na para magkaroon tayo ng paraan para makapag-kumustahan. Ang pag-iwan ng mensahe para sa batchmates natin at pangungumusta ay isang magandang ugnayan na. Kaya sana ay panatilihin nating buhay at positibo ang blogsite na ito.
Maraming taon pa ang pagsasamahan natin. Marami pang mga masasayang bagay ang ating pagsasaluhan. Di man tayo parating marami o di man tayo mabuo, isipin nating ang buhay ay may halaga at saysay. Maging kapaki-pakinabang sana tayo para sa iba, para sa ating kapwa.
Dale, bahagi ka ng ating batch. You are missed and you will forever be remembered...