Lunes, Marso 3, 2008

Balerkada Updates

Magandang gabi sa lahat!

Noong nakaraang Sabado po ay nagkaroon ng pagpupulong sa ating gawain kina bok bok sa Ras Garden. 22 po lahat kami na baler based. Lahat po kami ay wiling na tumulong lalo na nang maintindihan nila ang ating hangarin.

Ngayong araw po ay hindi ko po nakausap ang butihing gobernador na si Gov. Bella Angara sa kadahilanang maraming pong tao sa kapitolyo. Ngunit nakuha naman po nila ang ating proposal. Nakausap din po namin si Michael Palispis ang head po ng tourism sa ating lugar. maayos naman po at walang nakitang problema sa ating gawain maliban lamang sa paghingi ng pahintulot sa lugar na pagdadausan (pook labasin, sa may sabang). Bukas po ay ating sasadyain ang tagapamahala ng lugar upang personal na makausap at makakuha ng pahintulot.

Ang UP Mountaineers po na mayroon ding gawain sa ating lugar ay nakapetsa na gumamit sa April 8, sadyang malyo sa ating petsa ng pasinaya. Ang pook labasin din daw po ay kasalukuyang babakuran upang isecure ang pamamalagi nila sa nasabing lugar. Kung loloobin po ay maari nating magamit ang bakod na itatayo sa lugar bilang maging bakod ng ating gawain.

Hindi pa rin po nakararating ang ating globe simpacks na inihabilin sa atin ng Globe para ngayong araw. Bukas po ay i-follow up po namin ang kalagayan ng ating simpack tickets. Sa ngayon po ay umaasa po kami na maiisagawa ang ating plano sa orihinal na lugar. Hingi po ako ng tulong sa inyong mga panalangin na mabigyan ng kalooban ang permiso sa lugar na pagdadausan. gayon din po sa pakikipag-ugnayan natin sa probinsyal na pamahalaan.

Muli po akong babalik bukas sa inyo upang bigyan po kayo ng update. sa mga nakakabasa po nito. Hangad ko po ay ang inyong panalangin upang maisakatuparan ang mga gawain. Ako po ay lubos na natutuwa dahil marami sa ating mga ka-batch na nagtetext sa coregroup kung ano ang updates at susunod na gawin. Lubos po akong nasisiyahan sapagkat nabubuo po ang ating batch. Sa mga hindi papo nakakadalo sa mga pulong nais ko pong ipaalam sa inyo na kayon po ay Welkam na Welkam! huwag po kayong magatubili na pumunta at makibahagi sa gawaing ito. ito po ay aming ikagagalak!

Marami pong salamat! Nawa ay loobin ng panginoon ang ating nais isakatuparan. Salamat po!

~cox