ISANG MUNTING HANDOG PARA SA BATCH
Sa totoo lang po, first time ko gumamit ng movie maker. Mahirap pero kaya ko pala, hehe.
Pang-unawa po ang hinihingi ko mula sa inyong lahat.
Una, ako po ay kapos sa materyal at kaalamang teknikal lalong lalo sa teknolohiya.
Paumanhin po kung nabitin kayo, nadismaya, nagulat, nainis, nagtaka, nagalit o naadwa.
Tanggap ko po ang aking kahinaan at kakulangan.
Sinubukan kong gawin ang video na ito at i-upload sa YouTube dahil matagal ko na pong pangarap ang makitang mayroong video presentation ang ating batch.
Salamat po sa mga larawang aking nahanap mula sa inyong mga friendster account at sa photobucket ni Admin mula sa napakaraming camera noong huling General Assembly.
Karamihan po ng mga larawan – gaya ng kasal, binyag, piknik, general assembly at iba pa – ay mula sa mga kuha ni Mary Rolaine Teniozo a.k.a. Lhady na aking tinipon.
Nais ko mang dagdagan at damihan ang mga larawan, ang materyal ko po ay limitado lamang.
Panawagan po sa lahat: Magpadala na po kayo ng larawan sa e-mail addresses ni Admin.
Marami pa pong video ang ating mapapanuod.
Mas maraming larawan, mas maganda. Mas luma ang mga kuha, mas may kurot sa puso.
Sana po ay kahit paano, napasaya ko kayo. O kaya ay nagising nang kaunti ang damdamin sa inyong napanuod. Patuloy po tayong makiisa sa mga gawain para sa ating batch.
Magpasalamat at ipagdiwang po natin ang ating taon.
Masaya po ako sapagkat buhay tayong lahat. Yan po ang palagi kong sinasabi mula sa umpisa nang tayo ay unang nagtipon noong 1999.
Hangad ko ang patuloy nating pamumuhay nang payapa, ligtas, at maligaya.
Ang taong 2008 ay pagpapatuloy lamang ng mga magagandang simula.
Taon natin ang 2008. At marami pa rin tayong mga susunod na taong pagsasamahan.
...ang inyong kabatch - red querijero