Linggo, Nobyembre 9, 2008
Nuod Muna Tayu...
Yehey! Higit 6000 na ang bilang ng visits dito sa blog!
Yung video sa taas pala ay unang ipinalabas last Nov. 1 sa RAS Garden. May videos pa pala na lalabas, paki-abangan na lang anu. Magpapa-meeting din si Sherwin ngayong November ditu sa Manila. At sa Baler pag uwi nya. Basta, attend lang tayu anu. Quincy, anu pala email at cell# mo? Send mo sa sherwinllames@yahoo.com. Tinatanung nya ay. Kasi sabi ko sa kanya nagpost ka ng message dati sa Batangbaler ay. Kako, kontakin ka niya.
Next month na rin pala ang Anniversary ng blog natin. Admin, anu ang mga plano sa blog? Batchmates, keep in touch lang palagi!
Biyernes, Nobyembre 7, 2008
Martes, Nobyembre 4, 2008
BALERKADA Grand Reunion Update
Napag-usapan at napagkasunduan na ang petsa ng Grand Reunion. Ito ay sa December 28 (Linggo), 2008. Malamang ay maghapon ito. Yehey! Kaya, mag-file na kayo ng leave at mag-set na ng biyahe pauwi ng Baler sa lalong madaling panahon. At ehe ay, mahaba ang bakasyon sa Kapaskuhan. Sulitin natin!
Maaaring magkaroon ng Dry-Run bago and/or Part 2 after ng ating Reunion, depende yan sa kagustuhan nyo. Ang mahalaga ay magkita-kita tayo sa Decemeber 28. Ang venue ay ifa-finalize pa. Ngunit ang mga plano ay nakalatag na, at malapit nang maging plantsado.
Noong November 1, nagsama-sama tayo sa isang munting salu-salo sa RAS Garden (Salamat muli, Bok-bok!) bilang paghahanda sa ating Grand Reunion. Matapos ang kumustahan at palitan ng contact info, kumain muna at palas na ang lahat. Ang totoo, mas marami sa attendees ang nag-take out kaysa bumulos. Haha!
Unang nagbigay ng pananalita ay si Rodel "Cocoy" Soniel. Binanggit niya ang finances o kinita ng nakaraang Reggae Party. (Pasensya na at Math iyun, pakitanong na lang kay Cox at batug ako sa numbers ay). Sinundan ng paglalatag ng plano ni Sherwin Llames (bilang head/organizer at Batch President nung high school tayo) para sa Grand Reunion.
Maganda ang plano. Ang totoo, understatement yun. Sa sobrang ganda, kulang ang adjectives na alam ko para i-describe. Pati ako ay excited na. Ay, peksman.
Paki-tandaan na lang po kung anung section kayo nung 4th year tayo. Ang info ng bawat section ay dapat makumpleto na para maikalat na ang imbitasyon ngayong November pa lamang. Huwag pong mag-alala yung mga ilang taon lang nating nakasama sa MCC (o kaya ay di nakasabay gumraduate), nakalista lang kayo sa master list. Basta, paramdam lang kayo anu.
Para sa inyong updated contacts, send your cellphone numbers, e-mail addresses, etc sa sherwinllames@yahoo.com
After ng pananalita ni Sherwin ay nagkaroon ng open forum. Smooth ang lahat. Positibo ang mga tugon. Ramdam ang suporta mula sa bawat isa. Pagkatapos ay nagbigay rin ng maikling pananalita ang inyong lingkod. Bale, officially ay naging retirement ko na bilang organizer ng batch ang event na nangyari nung November 1. Pero tutulong pa rin ako sa mga susunod na organizers, basta kailanganin ang tulong ko, sabihan nyo lang ako.
Nag-alay din po pala ng munting pagkilala sa ating batchmates. Sampu ang iginawad bilang tanda na sampung taon na tayong graduate. Katuwaan kumbaga. Ang Awardees ay ang mga sumusunod:
1. Chef ng Bayan (Male) - Markjed Pasinabao
2. Chef ng Bayan (Female) - Mary Ruth Hugo [sila yung palaging maaasahan sa mga pagluluto pag may event]
3. Daddies ng Batch - lahat ng umattend na may palahi na ay ginawaran (maski may mga ayaw umamin, hehe)
4. Mommies ng Batch - lahat ng mommies na umattend, may kasama mang anak o wala (bale, hindi individual awards ang awards #3 at 4)
5. Ninong ng Bayan - si Larry Gonzales (panalo o hinde sa tupada ay palaging may pakimkim iyan)
6. Ninang ng Bayan - Belanni Sinsay (sa bilang ko ay walo sa batch ang kumare at kumpare nyan)
7. Most Eligible Bachelor - Friedrich "Kite" Bihasa (single pa iyan, walang anak at walang katipan)
8. Most Eligible Bachelorette - Tie sila Finelyn Catura (na single pa rin daw) at Miraflor Diesta (na di confirmed ang status, pero alam ko ay taken na)
9. Committe Awardee for BALERKADA - The Reggae Party Project ...sa pamumuno ni Rodel Soniel, at ang huli ay...
10. Special Recognition para sa lahat ng batchmates na nasa abroad (sila yung hanggang ngayon ay tuloy ang suporta) - ang totoo, pala-attend yang mga yan...kaso sila ay nasa ibayong-dagat na
Lahat ng attendees ay nakatanggap ng baller ID at ng limited edition batch pin (pansinin ang larawan sa itaas, suot nila ang pin).
Sa December mas maraming pakulo, gimik, souveneirs at may bigating pa-raffle.
May ipapatawag na meeting si Sherwin, malamang isa dito sa Manila at isa sa Baler. At bilang paghahanda, may mga hakbang na isinasakatuparan simula pa noong November 1.
Suporta ang hinihingi ni Sherwin mula sa ating lahat. Ika nga niya, "Kung wala ka sa Grand Reunion, parang na-miss mo na rin ang buong high school life mo."
Gagawan ng paraan na maging bahagi ng Grand Reunion ang mga batchmates na di makaka-attend lalo na ang mga nasa ibang bansa. Kaya, paramdam na kayo diyan abroad, batchmates!
Excited na ako, excited na baga kayo? Ito na ang finale ng year-long celebration natin, batchmates. Kung ako sa inyo, makiki-balita na ako sa mga kaibigan/kabarkada sa batch natin. At palaging dadalaw dito sa ating blog site para mag-iwan ng mensahe.
So, paano? Kita-kita na lang tayo sa Grand Reunion anu!
-Larawan at Panulat ni JuanPula
PAHABOL: Ito pala yung isa sa mga videos na unang ipinalabas nung Nov. 1 sa RAS Garden. Marami pang susunod. Pakiabangan na lang. Enjoy!
http://www.youtube.com/watch?v=Iomkd5fiFaw
Sabado, Nobyembre 1, 2008
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)