Miyerkules, Disyembre 31, 2008

Walang Pagsidlang Kaligayahan at Walang Katapusang Pasasalamat


Naganap na. 10 years in the making ang Grand Reunion last Dec. 28 sa AMCO Beach Resort. Nag-umpisa nung umaga sa motorcade. At nung 3PM ay start na ang datingan at registration. Pictorial ala red carpet.

Bale 75 ang attendees. Wala pa duun ang mga katipan/asawa at anak ha.

Panawa man ang lahat sa pagkain (beef broccoli, spare ribs, fried chicken, black forest with coke) na catered ng CORRIE’s (contact nyo na lang si Morena sa foods). Ang sarap, ay man!

May lechon baboy pa pala (49 kilos)! Akkaw, bugtak man ang lahat. May take-out pa. At yung lechon, ay ipinaksiw pa nila Rocky para sa piknik kinabukasan.

Andaming games, pa-raffle at prizes! Lahat ng tao may bitbit na souvenir. Panalo ang libreng t-shirt! Ang mga labit-labit na anak ay may pamasko pa.

Lahat ng brand ng alak ay nandun. De na nauubus. Nag-videoke pa after ng video presentation. At ang kodakan, de na alam saan ka po-pose sa dami ng camera.

Pasado 12MN ay may mga dumiretso pa sa FREDDIE’s (discohan na dati ay COCOHUT).

Lahat umuwi nang may ngiti sa labi (ang karamihan, hang-over ang uwi - hehe!).

Muli nating napatunayang atin nga ang taong 2008, batchmates!

Balita ko sa year 2013 na ang next reunion ay.

Basta, attend lang tayo nang attend!

Sa susunod ulit, mga Ka-BALERKADA!

Tuloy ang buhay – tayo’y magsaya at magbunyi!

Mabuhay ang BALERKADA – isang nagkakaisang barkadahan…

Mabuhay ang MCC High School Batch 1998!

Mabuhay ang mcchighschoolbatch1998.blogspot.com !!!

Mabuhay ka, Admin! At ang lahat ng visitors sa blog natin!

Mabuhay tayong lahat!

Manigong Bagong Taon sa lahat!

PAHABOL: Anatayin nyo na lang ma-upload ang mga pictures anu at andami ay, man.

Biyernes, Disyembre 26, 2008

Grand Reunion Batch Invites

December 25, 2008

Astigin naming ka-klase,


Magandang araw sa I ‘yu!

O anu, anu nang balita? Akaw ay sampung taun, sampun taun na ang dumaan buhat ng gumaradweyt tau sa Carmel anu? Akaw, ay tanda mo pa? and dami kaya nating pinagsamahan! Sang katutak, yung mga masasaya ay malulungkot na nangyari sa atin. Nakakamiss anu, nakakamiss ikaw! Kamusta na ikaw? Ano na ang balita sa I ‘yo? Ay tiyak marami tayong pagkukwentuhan ay marami rin ako ay. At malamang kung iisa-isahin natin ay aabutin tayo ng maraming oras. Miss nakita? Bonding naman tayo? Ano tara?

Sa 28 bok, ngaun Disyembre, sa Amco Beach Resort. Duun, duun tayo magkita kasama ang marami nating mga kaklase na gustu bagang makipagkwentuhan at sariwain ulit ung mga nakaraan natin noong High School. Tara, tiyak na hagalpakan na tuwa ito. Alas 3 ng hapon hanggang forever! May video ng mga lumang litrato, may mga exciting na palaro, may yug yugan, may kantahan, may recess, may CAT pa nga ay at INTRAMS – Akaw ay marami!!! Tara! Para tayo ulit High School!

Oras lang naman ang ilalaan natin kapalit pinagsamahan at pagkakaibigan. Libre ito, walang ambagan! Biyaya ito sa atin ay, kaya kailangang pasalamatan at tamasain natin! May libreng Batch – Tshirt, may libreng chibug – ung buffet baga, may libreng papremyo, may libreng pakimkim, may libreng kwentuhan, may libreng tuwa, may libreng ngiti, may libreng saya… AKAAAWWWW!!! Ay sang kapa!!! Aasahan kita ha!

Oo nga pala, ay kasama sa sulat ng ito ang batch directory at ating programa. J Maaari mo nang kontakin ang ating mga ka-batch na namimiss mo na din. Makikita mo rin ang saya ng programa sa Party. Maligayang Pasko sa iyu at panalong bagung taon na din! Ayus!

Salamat kaibigan!


umaasa,


Sherwin Llames
Batch 1998 President

Martes, Disyembre 16, 2008

Ay Tara na Batchmates sa BALERKADA Grand Reunion!


Registration starts at 2:00 PM.

Reminisce the past... Celebrate a Decade of Friendship!

ACTIVITIES:
*Presentation of Videos
*Interactive conference, chat/calls with friends here and abroad
*Exciting and Interesting Trivia
*Big-time Raffle
*Fun Games (Balerkada GAME KNB?, Balerkada Deal or No Deal, Balerkada Fear Factor, Balerkada Singing Bee)
and more!


It's a once-in-a lifetime fun-filled one-day event you should NOT miss.

Isang araw ng kumustahan, kwentuhan, kasiyahan, kainan, at inuman...

Sampung taon nating hinintay ito!

Ika nga ni Sherwin Llames, "KAPAG WALA KA SA REUNION, PARANG NA-MISS MO NA RIN ANG BUONG HIGH SCHOOL LIFE MO."

Kita-kits mga ka-Balerkada!

Sabado, Disyembre 6, 2008

Grand Reunion

24 days to go!!!! Wahhoooo!!!!
Before the Grand Reunion!
meeting, si sherwin ang kumuha ng litrato. :)

Heads Up! Batchmates!!!!!!!! O Anu na!
U ay are!Nagmiting na kami, anu! Para saan? Ay sa Renunion! O! ahahahha!
Eto ang Pinagmitingan natin! May minutes pa! Improving! (sorry hyper!!!!)

Reunion Meeting

Time: 9:28 pm
Venue: Pizza Hut Cubao, tapat ng hating-bilog na entrada ng Gateway Mall

Attedance:
John Red
Cocoy
Sherwin
Blessie
Arnel
Rica

Agenda:

Magbuo ng Core-Group
I assign ang mga ito sa mga Gawain

Grand Reunion
December 28, 2008
Venue: TBA (To Be Announced)


CoreGroup at Mga Alituntunin

Ang mga naasign ay nakausap ng personal sa telepono.

Head/Admin: Sherwin Llames
· Siguraduhing ginagawa ng mga point person ang kanilang trabaho
· Kulitin ang mga point person sa araw araw, gabi tanghali, umaga at medaling araw
· Ipaalam parati sa communications head ang update sa mga point person
· Magsulat sa blog ng mga bagong kalagayan at anunsyo.

Asst Admin: Rica Arroyo
· Siguraduhing ginagawa ng Admin ang kanyang trabaho
· Tulungan ang admin sa ibang detalye ng pangungulit at kung ano ang kinukulit sa kukulitin

Communications: Cocoy Soniel
· Gumawa ng kahit anong liham patungkol sa grand reunion
· Maghatid din ng inpormasyon sa Blog, sa YM at sa text

Venue Hunter: Bok Bok Amatorio
· Alamin ang magaganda at murang mga resort at iba pang venue na maaring pagganapan ng reunion
· Alamin ang bawat detalye at best offers ng mga venue
· Magkano ang venue per oras, perday, overnight. Magkano kung per person etc.

Promotions: Kite Bihasa
· Maglagay ng publicity sa community channel at sa 2 estasyon ng radio.

Fliers and Banners: Ryan Ico
· Magdesign at gumawa ng fliers gayun din ang banners
· Pumunta kina cocoy or bok bok upang makiprint ng mga fliers
· Ibigay sa Motorsiklo Batch Hunter ang mga flier upang ipamudmud sa mga bahay bahay
· Ikabit ang banner sa kitang kitang lugar

Batch T-shirt Hunter: Marjim Guerrero
· Maghanap ng murang nagpprint ng t-shirt para sa batch.
· Sa atin na ang tshirt, si rica or arnel ang bahala. Free size na shirt

Motorsiklo Batch Hunter: Noel Ramos
· Maghatid ng sulat at mangumbida sa ating mga ka batch na asa Baler
· Punuin ang buong lansangan ng Baler at karatig bayan ng fliers!

Food Caterer Hunter: Gilbert Pajarillo
· Maghanap ng magpapakain sa atin! Yehey!
· Humingi ng presyo ng kanilang serbisyo at slamin ang lahat ng detalye at kanilang best offers

Smart Mobile Phone Caller: John Red Querijero
· Magtawag at akitin ang mga kabatch through Smart Mobile Phone

Globe Mobile Phone Caller: Arnel Belmonte
· Magtawag at akitin ang mga kabatch through Globe Mobile Phone

Batch Treasurer: Josephina Ardales
· Mamahagi ng salapi sa sulit na pagkakagastusan
· Maglaan ng computations


Additional Notes:
· Maglalagay ng banner o poster sa Genesis Bus (c/o Sherwin and Blessie)
· Gathering ng batchmates overseas akma sa ating Reunion, naka on-line sila sa internet para makisaya sa atin. Oha!
· Sa mga kabatch natin! Ikalat sa malawakang daigdig na magaganap na an gating grand reunion at wala itong ambagan!!!! Iyan! Iyan ang tanging tungkulin mo!


tenkyu, natapos ang meeting. 10:30pm. sherwin salamat sa pizza. wahooooo!!!!