Kadarating ko lamang ng Maynila.... mga alas 9 ng gabi... kinausap ko si Warren, kaibigan ko. Binalitaan ko kung anong nangayari sa ating pasinaya. Kinausap ko rin si Marco at Homer, mga kaibigan ko ulit tapos dumeretso ako sa roof top ng aming gusali. Sa ilalim ng water tank doon muli akong nangusap sa Panginoon. Nagpasalamat sa butihing mga Kamay na humawak ng "Balerkada - the Reggae Party." Natuwa ako sa nangyari, sa mga naganap. Galak na galak akong sinambit ang yaon sa Panginoon. Maulap ang langit at walang maaninag na bituin. Humuling ako ng konti, sabi ko lang "Ano kaya ang pwede Mong magawa para sa akin ngayong gabi na ako'y napapasalamat at nagbibigay ng papuri." tapos sabi ko wag na lang. Biglaang lumiwanag ang langit - may pagsabog, sa aking mga mata ay isang mabunying fireworks! astig! sa lote ng Ateneo de Manila University magmumula (tiga-Katipunan nga pala ako). Astig! Ang galing! Iba talaga ang Panginoon, sabi ko "para sa akin eto, handog ng May-Kapal. Astig ka Lord..."
Araw ng Pasinaya
Malakas ang ulan ng mismong pasinaya. Animo nga ay may bagyo ng araw na yaon. Noon ay ilang beses akong pumasok sa kuwarto ni GB sa may Sabang upang manalangin. Pilit kong tinatanong "Ay bakit Mu naman, pinauulan ngayong araw na itu ha?" Nagmamakaawa na sana ay muling pasilayin ang mabunying araw upang sumuporta sa aming gawain sa site. Wala. Walang nangyari. Hindi natinag ang isang higanteng bloke ng gray na ulap.
Sa mga nakina GB, alam ang naging daloy ng hakbang. Sa mga dumating na nang hapon upang tumulong, maaring narinig na lamang sa kwento kung ano ang nangyari. Magulo na maayos ang site pagdating ng hapon. Doon makikita mong nagkakabit ang mga lalaki ng malalaking tent. iniyayakap din ang bakod na gawa sa pinagdugsong dugsong na supot ng harina sa mga kawayang poste na ibinaon sa site ng nakaraang araw. Nagkaisa ang mga kalalakihan ng batch upang manindigan sa ating pasinaya. Binuo nila ang site at samasamang dinala ang pangalan ng batch. Sa totoo lang, tuwing dadalaw kaming mga naghahakot ay natutuwa kami sa nakikitang pagkakabuklod na batch. Ang ibang grupo naman ay naiwan kina GB at naghanda ng pagkain para sa batchmates at ilan pang mga miyembro ng organizers. Doon ay may harutan at kwentuhan. Salamat sa pamilya at tahanan nila GB. Abot din ang challenge ng mga naghahakot ng mga gamit (3 tents na hinunting sa san luis, sound amplifiers, drum set, lamesa, upuan at sound system). Ito ay sa tulong dam truck nila Harry na dumating ng Baler ng araw na yaon. Nabalaho nga ito sa may Kampo ng pulis sa may Sabang bandang alas 4 ng hapon. Patawa tawa lamang kami ng nangyari iyon. Sabi ko kay God "Sige banat, ay anu baga naman ito?" tapos tawa. Sa mga panahong iyon ay nananabi na ang mga ulap at nagbibigay puwang sa mga sinag ng palubog na araw. Nagpahinga ang ulap sa pag-iyak.
Hindi ko rin malimutan ang mala-optumis prime na truck nila Rexy na ginamit namin umagang umaga upang maghakot at maghunting ng tent. Bumubuhos ang malakas na ulan ay ratsada kami pa San Luis! Akaw, ay pakalogkalog nga kami roon sa likod ng truck. Marami kami, mga walong kalalakihan. Lahat ay paikot-ikot sa likod ng munisipyo ng San Luis naghahanap ng tent na inilipat napala ng lugar ayon kay Randi. Anak ng torta! He he he he…. Ayus lang, basa parin kami.
Maraming naganap lalo na nang dumilim at nagsimulang dumugin ng mga tao ang lugar. Naroong hindi magkamayaw ang batchmates sa control ng crowd. Nagkagulo sa may gate. Nawindang ang gate keepers. Bukas dito ng beer, serve doon sa bar. Sa stage, kalas lagi ang foot pedal. "asan ang alambre? asaan?" Hindi pa nagsound check - hay naku... walang upuan. kulang ang tao doon. ang zulu, ilawan na. Ilan, ilan ang presyo? Ang danaw, ano ang gagawin. Basahan? Huwatataw! Magkano ang beer. he he he he... Ay bakit may hard core rock na tugtugan? Akala ko reggae? magulo pero sige ayus lang! Marami pang eksena, sangkatutak. Bira kung Bira! walang atrasan (parang spartans!!!! tahooouuuu!!! tahhhoooouuuuu!!!!)
Maliban sa saya, may lungkot din. May batchmates na nangaasar at may batchmates na napuno. May sinasadya at hindi sinasadyang biro na nakasakit. Sa mga naapektuhan po nito ay kami po ay humihingi ng paumanhin at dispensa, nagmamakaawa na ipasintabi na ang sarili at na muling ibigay ang suporta sa ating pagkakaisa. Para sa lahat ng batch, nais kong ipaalam na ating ayusin at piliin ang ating mga salita (kasama po ako dito) upang makatulong tayo sa ating kapwa. Bitawan lamang ang salita ng makakapagbigay ng sigla at buhay sa ibang tao at hindi makakapagpababa sa kanya. Sa atin po namang mga nasabihan ay panatilihin po nating bukas ang ating isipan at ilagay sa mataas na perspektibo ang mga bagay, baguhin ang kalagayan ng isipan at iakma ito sa mas magandang pagtingin sa sitwasyon. Sa pamamagitan po noon ay magiging epektibo ang ating desisyon sa sitwasyon. Ayus? ayus iyan!
Bago ang pasinaya
Maraming pulong ang naisagawa upang magbigay daan sa pagpapalawig ng kaalaman na magkakaroon ng "reggae party" sponsor ng ating batch at ang mailatag ang mga hakbang. Anu pa? Akaw marami. Magdocument ng Globe sim sa monitoring sheet, 299 sims na nagpapawis sa mga kamay ng myembro ng coregroup. Saan kapa, ticket masters na naglaminate ng tickets at naggayat sa pamamagitan ng cutter ni kuya Ped. Me signature pa (tickets at sim cards) ng 3 darling ng batch. kamusta naman ang naunang poster na panggrade two (he he he). ayus iyan, may room tayo for improvement.
Akaw ay mawawala baga naman ang mga nagkula at naglabang mga pare (ay pare!). Ay sa cemento iyon ginawa. 300 na supot ng harina. Nangagngitim nga ang mga yaon sa pagbibilad buong araw ay. tapos ratsada as kawayan boys. biruin mo ka baga namang umakyat ng bundok upang hakutin ang sandamukal na kawayan na nabitin pa rin. He he he, ay ang posters! Tacker dito tacker doon. Ay nagpunta sila sa kaliblibliblibang lugar ng aurora para ikalat ang matinding gawain (nagdikit nga rin sila sa Maynila ay Amerika ay)! O ay ang banner? anu na, streamer na kinabit sa may parke na humulagpos sa pagkakatali. Ayon sa text ni len2, kapatid ni ryan “Ay kuya ang ganda ng streamer ninyo natanggal na” – namamahinga sa gilid ng parke. Naputol ang tali kinahapunan ng huwebes. sige akyat ulit! Yun namang tarpaulin sa brgy. singko ay may military pang tumulong (akaw nakakulay green ng sando at shorts, pupungas pungas nga ay at may karay karay na bata) - ay si anu pla iyun - batch din. Ang tarp nga pala natin ay sponsor ng magsing-irog. Walang makakalimot sa mga sastre natin na nagdugsong dugsong ng 300 na supot ng harina (5 piso isa kina Ponyong). Biruin mo baga naman na maging tahian ang bahay nila Ryan. 2 dalaga (dalaga na ulit yung isa) at isang binata ang bumanat! ayus!
Anu pa baga? Dumagsa ang tao kina ryan ng Huwebes santo. Tapos kaagad ang ID, naprint na din ng fliers. Ang additional na tickets. Akaw naubos nga ang Gawain nuon ay. Tapos kumain kami ng tanghalian – ay ang sarap ng tanghalian. Si Busog ang nagluto ng tinola. Panalo! Ay nagdyobos pa pala ng supot ng harina. Natulog kina ryan! Ratsada ay, walang atrasan. Ay akaw ang koordination sa Kapitolyo para sa utilities at materyales. Buti na lamang at nanduun si rocky at si zyris. Sumuporta si Gov. Bella Angara, si PA Alex Ocampo, Si Ma'am Mel Amarillo ng GSO, Si Sir Mike Palispis ng turismo gayun din ang mga tao ng PEO. Astig! panay ang suporta! Salamat po sa inyo...
Ano pa ba? Are, yung sponsor ng iba pang kawayan, si double jay. Ay mawawala baga naman iyun! Ang butihing batchmate nga pala na nasa munisipyo, tumulong at nagassist din. O ay yung mga ticket heads, ratsada! Yung umaksyon sa lokal na sponsorship, panalo! walang kapaguran, ay kilala lamang nila ang mga opisyales at mga esblishements sa atin! Astig! Ang gumawa ng mga liham at AVP... he he he... sige, wala na ata. Ay ang Ras, forever meeting place.
Mayroon pa! Ay ang mobile batch hunter na ilang beses naghatid ng maraming mga sulat sa batch! mobile service provider din eto ng project head kapag walang masakyan at naging text blaster din. Matinding source din ng batch contact numbers sa batch direktory! o ano! astig ka pare! ay siya din ang nagdocument ng buong event - camera man. multi-tasking ay!
Makatapos ng Pasinaya
Ratsada, may mga naiwan sa kubo ng Aliya hanggang alas 6 ng umaga - 5 katao. tulong sa paghakot ng amplifiers at drums. matapos noon ay larga sa reserva, maghatid pa ng batch ay. he he he... makapananghali, may isang batch surfer na akaw - nagdismantle ng tent! kaya lamang niya. ala daw magawa ay. tas dumating na ang truck - sige hakot! lahat, plantsado. Kinaumagahan may tumatawag sa bahay namin, si oddeng nakabike. maglilinis na daw sa site ay. Punta na din ako tas may isa pang machong batch na tumulong maglinis (payat ito - sana ay pumayat na).
Nagsurf kami ni ryan makaraan noon. Si double jay, patakbo takbo sa dalampasin, nakataas pa-cross ang baraso at magsub daw siya sa surf board. Surfer din pala ang damulag.
Nagmeeting ang coregroup para sa post evaluation. Maraming positive, maraming negative. Benchmarking ang nangyari dahil ang batch natin ang pioneer sa ganitong klaseng event. Panalo pa rin! Panalo talaga! Hurrraaaaaahhhhhh!!!!! Duon ay kumain kami ng pizza, tsitsirya at kaunting alak. Abot ang mga hirit ni Osep, nakakatuwa. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Naghagikgikan! Nagpasalamat! Napawi ang mga pagod! Umusbong ang masmalaking Faith! Panalo! At nanalangin kami – pasasalamat at pagbibigay papuri.
Matapos maghatiran mga banding 11 pm ay ang natira kina ryan ay ako, si emon, si busog at si GB. Nanuod kami ng “Music and Lyrics” ni Drew Barrymore at Hugh Grant. Si emon at busog ay lumarga na makaraan ilang minuto. Pagkalarga nila ay kinikilig naman ang dambuhalang si GB sa kwento ng palabas. Abot ang bato ko ng unan sa kanyang ulo upang matauhan he he he… GB manligaw na kasi! Tsk tsk! Natapos ang movie – transformer naman ang pinanuod nila. Natulog na ako.
Marami pa! marami pang kwento na sana ay mailagay dito! Kung hindi man mabanggit, paumanhin po. Ngunit kami po ay nagpasasalamat ng lubos! sa mga dumayo pa rito sa atin na ka-batch, salamat sa oras at pagod ninyo. Sa mga tumulong sa kanila “committed” na oras. Salamat po ng marami! Kaluguran namin ang inyong tulong!
Karagdagang gawain
Sa kasalukuyan po ay inaayos ni Josefina Ardales at Noel Ramos ang monitoring sheet na irereport sa Globe upang makuha na ng sponsorship mula sa kanila - 10k po ito. Gagawain na din po ang documentary presentation ng event para sa lahat ng batchmates at ng sponsors.
Pangawakas ng mensahe
Maraming ang nangyari! marami ang nagsakripisyo ng oras at pagod upang maihatid ang proyektong ito ng matagumpay (no sacrifice, no victory. - optimus prime). May pondo na po tayo na kulang kulang 20k na asa bangko at idaragdag pa po rito ang magmumula sa Globe. Nagbond ang batch! nagkamustahan! nakakuha ng contact numbers, masaya at umayon sa napagkasunduan. Kung may aalalahanin man ako ay ang araw ng pasinaya na matindi ang pag-ulan. Sa hapag kainan para sa mananghalian ay naroon kami - ang batch nanalangin:
"Lord, deku naintindihan kung bakit Mo pinapaulan. pero sige kung anong gusto Mo, gawin Mo. By 1 pm po ay raratsada kami. Mag-aayos ng site, umuulan man o hindi. tanging hiling namin. Pasikatin Mo naman ang araw..."
Noon hindi ko maintindihan bakit umulan ng malakas. Ngunit hinayaan kong mabago ang aking isipan ng mga pangyayari. Bumalik ako sa mga salita ng Panginoon, "Those who believe shall walk by faith and not by sight." Isang hapon sa site bago ng araw ng pasinaya, nagbiruan kami ni B2 (cocoy soniel at ryan ico) habang tinatanggal ang matulis na parte ng nakatusok na kawayan, "boks, anu! nakikita mo na boy" sabay ngisi. Sa hapong yaon ay ang tanging panahon na nakita na namin kung ano ang maayos na pwedeng mangyari kapag umaraw at nakapagfinal set-up kami sa site pagdating ng sabado ng umaga. Ngunit binura ng Panginoon ang aming nakita. Bumalik itong muli sa Faith pagdating ng Sabado dahil nga sa mabagyong setting ng kalangitan. Gayun pa man ay naiganap ang Pasinaya sa Tagumpay! Nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal sa maayos na pagkakadaos. At magpapasalamat pa rin kami sa Panginoon kahit anong mangyari – maganda man o hindi.
Naremind ulit ako ng sinabi sa Kanyang mga salita. "Faith is being sure of what you hope for and certain of what you do not see." Hebrews11.1
Faith is what we have all throughout the event. Faith from the start, faith till the end. Faith is all we need. Faith in God who is powerful and able to do amazing things. For all our batch mates, remember - 2008! This is our Year! And the God of heaven has granted his favor for us! Dream big not just for your own selves and for your own families. Dream big for Baler, Aurora. Seek the will of God in your lives and let His power flow through you! God Bless
~ cox
Umaga ng Sabado, bumabagyo ng malakas na ulan. Marami ang nagtatanong kung tuloy ba o hindi... - Oo tuluy! wala nang atrasan ito! umulan man o hindi, Ratsada kami! (he he, tikas)