UNA: Patawad po sa mga nag-antabay (gaya ni Admin) sa paglabas ng 2nd version ng Dekada Balerkada Video sa YouTube. Naging abala po ta ako sa opisina at pag-aaral ay. Dalawang linggo na lang kasi ay resigned na po ako at magfa-finals na rin sa iskul. Kailangang maghabol. Deadlines at requirements kaliwa't kanan. Sinabayan pa ng palpak kong broadband na gamit sa bahay. Kaya kahit si Cocoy ay nabigu kong tulungan sa Text Blast last weekend. Isang maluwag at malawak na pang-unawa po ang hinihingi ko. Babawi po ako – babawi po ako.
GOOD NEWS: Marami pong nagsend ng pictures. Salamat sa inyong lahat (lalo kay Emon, Cocoy, She, Bitu, Paco)! Nasimulan ko na po, matagal na, ang pagtagpi-tagpi ng Video Version 2. Kaso nakukulangan pa rin ako. Kaya, PWEDE pa rin po ninyung ihabol ang mga larawan na JPEG format at i-send sa balerkada@gmail.com. Ang deadline ay alas-otso ng gabi sa March 15 (b-day ata itu ni Sheila at Ma'am Ive, Advance na pagbati!). Target date ng video ay before Balerkada The Reggae Party on March 22.
IKALAWA: Kaugnay ng ating unang batch event, nais ko po sanang hingin ang inyung opinyon. Balak ko po kayong i-meet lahat ng ka-batch na nasa Manila sa March 16 (Palm Sunday). Kahit sa munting bahay na lang po namin sa 55 Kalantiaw St. Project 4, QC. Ambag-ambag na lang tayu (marami-raming mamiso rin iyun baet) pagdating sa bahay. Kahit kropek naman ay ayus na sa aking pagsaluhan natin. Ang mahalaga, magkasama tayu. Basta, pagtiyagaan na laang ninyu sa amin ha kung wala kayung maupuan. Kasya naman siguru tayu duun. Balak ko sana ay after lunch ang meeting time, mga 2 PM. AGENDA: informal meeting tungkul sa March 22 event, palitan ng mga contact #s, atbp.
GOOD NEWS: Admin, Bok, Cocoy at mga kasama, pag natuloy (at sana…dapat matuloy) itung Batch Mini-Get Together sa Manila sa March 16, gusto ko sana ay interactive tayo. On-line kami sa bahay at on-line din sana kayo sa oras at araw na yun. Baka maisipan ninyu dyan sa Baler na magpa-meeting din sa March 16, aydi mas maganda. Bale, video/voice/chat conference tayo gamit ang YM. Para updated lahat. Gayundin lahat ng ating mga Ka-Batch sa buong mundo. Sali po tayong lahat sa ating Mini-Get Together sa March 16 anu. Aasahan ko po kayong lahat!
MAHALAGA: Ito po ang land line ko 7992138 kaso palagi akong wala kaya de nyu rin aku makokontak diyan. Swertehan kumbaga. Itext o tawagan nyu na lang aku sa 0915-9092692 at/o sa 0922-9870807. Add nyo ako sa YM: juanpula@yahoo.com. Add nyo sa friendster: juan_pula@yahoo.com. SEND pa po kayo ng piktyurs natin mula high school up to present (basta may kasama/magkakasama tayong batchmates sa picture ha) sa balerkada@gmail.com para sa ginagawa kong Dekada Balerkada video version 2. Deadline po ay sa March 15 at 8 PM (Phil. Standard Time). Ayan, lahat ng contact info ko po ay inilatag ko na. Kung gustu nyu na pati TIN at SSS #s ko, itext nyu na lang ako't ibibigay ko. Hehe! Pwede nyu na akung ipa-salvage niyan ehe. Pwera biru, magkontakan po tayo ha.Kita-kita tayo! Sa March 16 sa Manila, lalo na sa March 22 sa Baler.
Hihintayin ko po ang komento, opinyon, reaksyon, mungkahi, at tugon ninyo. Salamat pong marami!
-juan pula a.k.a. John Red G. Querijero
red anung oras ang meeting natin sa march 16? ym kmi d2 sa baler
TumugonBurahinred, ayos iyan! aprub! sa date na iyan ay mayroon kaming rekorida (motorcade), upang paigtingin ang kampanya sa ating pasinaya. sa hapon ay pwede kami diretso kina bok bok sa ras garden at magmeeting din. swak! nga pala, bagong updates - hindi pa lubusang nakakapagpaalam sa pook labasin kasi ala pa si sir ang tagapangasiwa. pasama po sa prayers. ang smb po ay kasalukuyang naghahanap ng pang pondo sa ating pasinaya. sa thursday po namin ito malalaman kung papasok sila. pa pray na rin po.... salamat!
TumugonBurahinred, globe simpacks din. ang ating tickets ay sa thrusday po darating, papray na matuloy ang delivery. salamat!
TumugonBurahinhi red! what tym jan sa pinas yun? magoonline din ako sukdulan gumising ako ng madalinga araw d2 hehehe parang masaya yun hehehe pa inform na lang po.... tnx!
TumugonBurahinare ai laban ng pambansang kamao iyan anu... pwede online para makita kung sino nanalo.... hehehehehe-
TumugonBurahin