Sabado, Mayo 10, 2008

UPDATE: Plans for the Batch this 2008


Matapos ang napaka-saya dahil sa nakaka-busog (sa dami ng pagkain), nakaka-lasing (sa mga alak), at nakaka-paos (sa di matapos na kantahan) na piknik nung May 3, nailatag na po ang mga proposal para sa 2nd half ng taon.

Gaya ng ipinrisinta nung Gen. Assembly last December 2007, may tatlong major events po tayo na napagkasunduan para sa taong ito:
• Una, ang Balerkada – The Reggae Party, noong March 22, 2008 headed by Cocoy Soniel,
• Ikalawa ay isang event sa Undas, November 1, 2008 na pangungunahan po ng inyong lingkod, at
• Ikatlo, ang DEKADA BALERKADA The Grand Reunion headed by our Batch President, Sherwin U. Llames na gaganapin sa December 27-28, 2008.

May mga maliliit din po tayong events na naganap:
• Mini Get Together sa Manila noong March 16 (habang ka-conference online ang mga nasa Baler at nasa ibayong-dagat), at
• Batch Piknik nitong May 3 sa Baler.

Sa mga susunod na buwan, asahan po natin na may mga hakbang pang mangyayari (gaya ng Manila Mini Get Together Part 2, pati ang pagdalaw at pag-aalay natin ng panalangin sa puntod ng ating namayapang Batchmate na si Froilan Dale C. Lega sa Undas).

May mga pulong din po na magaganap – sa Baler at sa Manila in the coming months. Sa pagdalo po natin sa meetings magiging matagumpay ang mga plano.

Palagi po tayong umattend, batchmates. Hanggang sa muli mga Ka-BALERKADA, kita-kits po tayo!


-Larawan at Panulat ni JuanPula