Linggo, Setyembre 17, 2023

Paalam at Salamat, AJ...

 



Sa bawat himig at tunog ng musika 

Mayroong simula at gitna ang kanta 

Nungit ang kumpas ng panahon ay nag-iiba 

Ang melodya ay sadyang may dulo talaga 


Bababa ng entablado pagkatapos ng tugtugan 

Ihihimlay sa kanlungan ang pagod na katawan 

Huwag mabahala, awit ay nasa aming isipan  

Titik, berso, at koro na tila walang hangganan


Dumating na ang panahon para itabi ang gitara  

Ang ingay ng tambol, ngayon ay tahimik na 

Sa iyong paglalakbay pabalik sa Maylikha 

Paraiso ang naghihintay sa iyong mga adhika.