Miyerkules, Enero 21, 2009

More BALERKADA Grand Reunion Photos


Isa sa mga highlights nung gabi ng reunion ay ang 2nd game na "Balerkada, Deal or No Deal". Walo ang mga babaeng may hawak ng papremyo. Sa halip na 26K Girls ay 8 Bitak Girls (yan ang itinawag ni Noel Ramos ha) ang humawak ng ampaw na may laman na piso (P1), P20, P50, P100, P200, P300, P400, at P500.

Ang nasa larawan sa itaas ay ang walong mga babaeng may hawak ng premyo. Apat sa kanila ay miyembro ng "Spice Girls" na pawang mga mommy na, sila ang grupo nila Nieves, Zhiris, Rozhvin, at Rachelle minus Pia Arapan. Ang apat pang may hawak ng ampaw ay ang mga dalagang sina Miraflor, Irene, Lea, at Mariela. Ang pinakasikat siyempre ay si Charmel (aka Rachelle Baldonade), at kung di ako nagkakamali ay siya rin ang pinakasikat nung gabing yun...alamin kung bakit - hehe!

Si Kite (Fridrich Bihasa) ang nabunot na player ng game. Ang natitirang pera na maaaring laman ng ampaw ay ang 2 highest amounts na 400 at 500. Nag-"No Deal" siya sa halip na tanggapin ang final offer ni banker na P450. Sa huli, ang laman ng ampaw na pinili ni Kite ay 400 lamang. Masaya ang laro na natapos sa isang halik para kay Kite mula kay Charmel.

Para makita ang iba pang karagdagang mga larawan (mula sa camera ni Paco), i-click ang titulo ng post na ito sa itaas o i-copy at pumunta sa link ng pictures sa ibaba:

http://s255.photobucket.com/albums/hh159/mcchsbatch1998/Grand%20Reunion/?albumview=slideshow

Maaari nyo ring i-send via email sa balerkada@gmail.com ang pictures na kuha ng inyong camera/telepono nuong reunion para mai-upload din sa Photobucket ng batch natin upang makita ng lahat. Salamat!

New Photos Courtesy: Neil Garett Adeva