Miyerkules, Enero 21, 2009

More BALERKADA Grand Reunion Photos


Isa sa mga highlights nung gabi ng reunion ay ang 2nd game na "Balerkada, Deal or No Deal". Walo ang mga babaeng may hawak ng papremyo. Sa halip na 26K Girls ay 8 Bitak Girls (yan ang itinawag ni Noel Ramos ha) ang humawak ng ampaw na may laman na piso (P1), P20, P50, P100, P200, P300, P400, at P500.

Ang nasa larawan sa itaas ay ang walong mga babaeng may hawak ng premyo. Apat sa kanila ay miyembro ng "Spice Girls" na pawang mga mommy na, sila ang grupo nila Nieves, Zhiris, Rozhvin, at Rachelle minus Pia Arapan. Ang apat pang may hawak ng ampaw ay ang mga dalagang sina Miraflor, Irene, Lea, at Mariela. Ang pinakasikat siyempre ay si Charmel (aka Rachelle Baldonade), at kung di ako nagkakamali ay siya rin ang pinakasikat nung gabing yun...alamin kung bakit - hehe!

Si Kite (Fridrich Bihasa) ang nabunot na player ng game. Ang natitirang pera na maaaring laman ng ampaw ay ang 2 highest amounts na 400 at 500. Nag-"No Deal" siya sa halip na tanggapin ang final offer ni banker na P450. Sa huli, ang laman ng ampaw na pinili ni Kite ay 400 lamang. Masaya ang laro na natapos sa isang halik para kay Kite mula kay Charmel.

Para makita ang iba pang karagdagang mga larawan (mula sa camera ni Paco), i-click ang titulo ng post na ito sa itaas o i-copy at pumunta sa link ng pictures sa ibaba:

http://s255.photobucket.com/albums/hh159/mcchsbatch1998/Grand%20Reunion/?albumview=slideshow

Maaari nyo ring i-send via email sa balerkada@gmail.com ang pictures na kuha ng inyong camera/telepono nuong reunion para mai-upload din sa Photobucket ng batch natin upang makita ng lahat. Salamat!

New Photos Courtesy: Neil Garett Adeva

Sabado, Enero 10, 2009

Isang Dekada ng Tagumpay: BALERKADA Grand Reunion


186 ang buong bilang ng batchmates ayon sa ating database ng contact info.

NEVER naging 100 ang attendance mula umpisa. Medyo malungkot, ngunit di tayo tumitigil para patuloy ang pagkikita-kita natin. At upang ipagdiwang ang buhay at ang mga biyaya ng buhay.

PERO ang tuwa ko nung makita kong umabot ng 4 pages ang attendance sheet! Akkaw, iba ang feeling, ay man!

MASAYA ang lahat sa naganap na Grand Reunion. Tanungin mo man ang lahat ng mga umattend, hala!

Opinyong personal ko man ito, pero sa tingin ko... ANG GRAND REUNION NATIN AY MATAGUMPAY, QUANTITY AND QUALITY WISE.

BAKIT? Saan ka nakikita ng libreng T-shirt na dini-deliver pa sa bahay-bahay ng ka-batch? Tapos ang reunion natin, aattend ka na lang, WALANG AMBAGAN! Mag-uuwi ka pa ng pagkain at li-lechoning-paksiw?

Mananalo ka pa ng cash at pa-raffle. Tapos pati mga anak, may pamasko.

Salamat dahil sa pondong nai-raise nung Reggae Party last March 2008, nagkaroon tayo ng T-shirt at pagkain nung Grand Reunion!

Salamat din dahil may HULOG NG LANGIT na sumagot ng venue (AMCO Beach Resort) natin na ginamit nang kalahating araw!

Salamat sa mga buong-pusong nag-abot mula sa kanilang mga bulsa para sa dagdag na pagkain, lechon, souvenir, alak at mga papremyo nung gabi ng reunion!

Salamat sa mabait na nagpakain nung motorcade!

Salamat at nagkaroon tayo ng libreng sound system nung gabi!

Salamat at marami sa batch natin ang di nagdadalawang-isip na tumulong at mag-anyaya ng iba pa para dumalo sa ating mga pagtitipon!

Masaya ako dahil masaya kayo, tayong lahat!

Paano, batchmates? Sa year 2013 na ang next Grand Reunion. WALA NA TAYO SA KALENDARYO NUN! hehe

Hanggang sa muli, at sa uulitin!

Ito nga pala ang mga dumalo nung Grand Reunion:

1. Maricel Bayani-Reynon
2. Cecil Mendoza
3. Sherryl Querijero-Bautista
4. Markjed Pasinabao
5. Aries Alcaide
6. Ryan Bautista
7. Israel Doringo
8. Anthony Arroyo
9. Ronald Sanchez
10. Henri Herminigildo
11. Lea Calugtong
12. Mariela Delos Santos
13. Reynalyn Tabaco-Isaguirre
14. Flordeliza Raquiño
15. Marites Lobera
16. Harry Rubio
17. Johanna Porqueriño
18. Aurelyn Ardales
19. Raymond Fernando
20. Arnel Belmonte
21. Shiela Tordil-Go
22. Louie Hiñosa
23. Ricardo Valenzuela
24. Ma. Theresa Poblete
25. Cleo Dorothy Belen
26. Rocky Ben Rubio
27. Francis Querijero
28. Mark Gerard Rubio
29. Manuel Ryan Ico
30. Irene Entienza
31. Jasfer Trucilla
32. Joseph Jastiva
33. Gilbert Pajarillo
34. Randy Rutaquio
35. Neil Garette Adeva
36. Charles Timbreza
37. Darycel Roque-Clemente
38. Jeanny Liezel Crisostomo-Cuento
39. Fridrich Bihasa
40. Mary Jessa Ferreras
41. Nina Richie España
42. Sandy Payongayong-Eng
43. Sherwin Donato
44. Charlie España
45. Charlo España
46. Ma. Josefina Ardales
47. Rachelle Baldonade
48. Rozhvin Alvarez-Reyes
49. Mer Jhayson Bañez
50. Noel Ramos
51. Zhiris Teh-Ang
52. Milagros Guadilla-Nolasco
53. Miraflor Diesta
54. Robinson Yu
55. Marjim Guerrero
56. Belanni Sinsay-Rivera
57. Ronald Vanzuela
58. Morena Yambot
59. Jon-jon Taran
60. Tristan Ade
61. Freddie Guzman
62. Remar Gusilatar
63. Mary Ruth Hugo
64. Charisse Rubio
65. Kirby Trinidad
66. Larry Gonzales
67. Benedict Sotero
68. Nieves Sanchez
69. Ron Gonzales
70. Norberto Pujeda
71. Noel Carl Amatorio
72. Anthony James Galban
73. Rodel Soniel
74. Sherwin Llames
75. John Red Querijero

P.S. Alam kong sabik na kayo sa pictures nung Grand Reunion. Ito po muna ang ilan. Paki-copy ang link sa baba...

http://s255.photobucket.com/albums/hh159/mcchsbatch1998/Grand%20Reunion/?albumview=slideshow

O kaya ay i-click ang title ng post sa itaas nito para mai-direct sa photobucket slideshow.