Huwebes, Setyembre 4, 2008

Download the original attachment





Matapos po ang higit dalawang buwan, napagdesisyunan ko ring i-upload ang pictures na kuha ng aking camera nung “Reggae Party" at ginawan ko ng slideshow/video presentation sa YouTube.com.


Yang video po ang tribute ko para sa mga pala-attend at taga-suporta ng lahat ng mga gawain ng batch natin. Ganon din para sa batchmates na di naka-attend sa mga di-maiwasang dahilan. Sana po dumalo ang marami parati, kung hindi man lahat, sa susunod pa nating events.


Peace-offering ko rin po bale ang video na yan. Medyo marami na rin kasi yata akong naging atraso sa inyo, batchmates. Paumanhin at pang-unawa ang hinihingi ko mula sa inyo. Pasensya na rin talaga kung medyo natagalan ang video. Pero masaya akong makita nyo ang di-matawarang mga ngiti ng batchmates natin sa pictures na yan.


Unedited at halos 100% ng photos ng batch natin ang inilagay ko sa video. Maraming nangyari at hindi naganap sa likod ng video, bago pa man mailabas ito. At may iba pang mga kwento at dahilan. May mga bagay man po tayong di lubos na maunawaan… Ngunit sana po ay ma-appreciare nyo pa rin ang mensahe nung video.


Medyo overwhelming din kasi ang tugon ng mga tao sa unang video na inupload ng inyong lingkod sa YouTube four months ago – ang DEKADA BALERKADA. Dahil sa ngayon ay higit 1,000 views na ito. Marami yatang nabitin. Ito po yung link, in case di nyo pa napapanuod

http://www.youtube.com/watch?v=bxgyrhcO9v4


Marami rin ang nagtanong at naghintay para sa Version 2 ng nasabing video. Wag po kayong mag-alala. Malapit nyo na rin po iyong makita. At may inihahanda na rin po akong isa pang video. Abangan nyo na lang muna.


Sana nagustuhan/magustuhan nyo ang latest upload ko. Yan po ang pinakamahaba kong nagawang video to date. Yan ang 2nd video na nagawa ko para sa batch. Hanggang sa muli, batchmates!



– Panulat ni Juan Pula