Miyerkules, Oktubre 29, 2008

Kita-kita Tayo sa November 1 sa Baler, Batchmates!

Huling hirit na itu. Bago ang Grand Reunion sa December (sa pamumuno ni Sherwin Llames), may isang salu-salo / kumustahan / at simpleng meeting na magaganap sa Sabado, November 1 sa ganap na alas-sais ng gabi sa RAS Garden (kina Noel Amatorio), Brgy. Suklayin.

Kumbaga sa sine, preview itu. Kumbaga sa kwento, malapit na tayu sa climax. Ang event ay tatawagin natin na…

BALERKADA TAYO! The Countdown Continues (Isang Patikim ng Grand Reunion)

Ang Agenda ay ang mga sumusunod:

  • Kasiyahan (may masasayang laro at gimik)
  • Kainan (panulak at pambara)
  • Munting Pulong (sa pangunguna ni Sherwin)
  • Pagkilala (may mga igagawad sa ating batchmates)
  • Paglalatag ng mga Kaganapan sa Grand Reunion sa December.

Kaya ang iyong Suporta at Pagdalo ay Lubhang MAHALAGA.


At gaya ng ating napagkasunduan, WALANG AMBAGAN, AATTEND KA LANG. Kaya ipagkalat na ang mabuting balitang ito. Magyaya at magsama ng ating mga ka-batch anu.


ANG IYONG SUPORTA AY LUBOS NA KINIKILALA AT PINASASALAMATAN!

Kita-kita tayo, Batchmates!

(May isa pa pala akong hiling…Sa mga uuwi sa Baler sa Undas, kung maaari sana ay dumalaw tayo at mag-alay ng kandila/bulaklak at panalangin sa mga namayapa nating batchmates. Gaya ng napag-usapan nuong piknik last May. Salamat!)

- Panulat ni JuanPula