Linggo, Disyembre 30, 2007

BALERKADA General Assembly

Naging matagumpay ang ginanap na pagtitipon sa RAS GARDEN kagabi. Ito ay sa pangunguna nina Sherwin,Cocoy,Red,Arnel at iba pa nating ka-batch na masigasig na nag-ambag ng kanilang tulong pinansyal at malalimang pagpapasya ukol sa mga nararapat na gawin bilang pagtugon sa ating nalalapit na ika-unang dekada na pagtitipon.

Sa mga naganap at napagpasyahang mga plano ay nabuo ang mga katagang "DEKADA BALERKADA" bilang pagsalubong sa taong 2008..ito ay naglalayon na pasiglahin at pagtibayin pang lalo ang ating pagkakaibigan...kundi ito ay panimula lamang sa mas marami pa nating pagsasama hindi lamang tuwing Disyembre kundi sa araw-araw nating pagtahak sa ating buhay..

Ang bawat isa sana sa atin ay maging isang halimbawa't inspirasyon sa mas nakakarami pa nating mga kaibigan.

1 komento:

  1. to pare bok salamat pare sa lagi mong pagpapahiram ng inyung garden para maging venue ng ating pagtitipon two thumbs up ka sa akin dyan!

    TumugonBurahin